Add parallel Print Page Options

14 Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.

15 Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.

16 Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.

Read full chapter